The Bedan Journal of Psychology 2015 Volume II PDF

Title The Bedan Journal of Psychology 2015 Volume II
Author Chennie Regala
Pages 236
File Size 12.7 MB
File Type PDF
Total Downloads 40
Total Views 351

Summary

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II Created Annually by San Beda College Alabang Bedan Psychological Society 2015 ii THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II FOREWORD This journal of qualitative psychological researches is in partial fulfillment of the requirements for the cour...


Description

Accelerat ing t he world's research.

The Bedan Journal of Psychology 2015 Volume II Savipra Gorospe, C.Ht., RPm, Chennie Regala

Related papers

Download a PDF Pack of t he best relat ed papers 

A ST UDY ABOUT T HE ROLES OF FILIPINO "HOUSEHUSBANDS" IN T HE DOMEST IC SET T ING Ma. Kat rina B Mamparair Bilibid or not : A General Qualit at ive St udy on Physical Aggression in New Bilibid Prison — Maximum-Sec… Aaron Jan Krout Moral Reasoning and Socializat ion of Children in Povert y Danielle Ochoa

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II

Created Annually by San Beda College Alabang

Bedan Psychological Society 2015 ii

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II

FOREWORD

This journal of qualitative psychological researches is in partial fulfillment of the requirements for the course Research Report 2 for the degree Bachelor of Arts in Psychology. The issue includes the work of twelve undergraduate students, who took the path of various kinds of qualitative research, of the Bachelor of Arts in Psychology for the Academic Year 2014 – 2015. The topics reflect the varied research interests and focus of the students and their advisers. The articles were written following the latest APA (American Psychological Association) format.

iii

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II

ACKNOWLEDGEMENT With our sincerest gratitude, we, the graduating students of the Psychology Department Class 2015, would like to thank the following people: Ψ To Prof. Paul Hilario PhD, Prof. Rodelando Ocampo, Prof. Theresa Masilungan, Prof. Fatima Bullecer, Prof. Juli-ann Alonzo, and Prof. Eva Castronuevo, for their patience and unceasing mentorship that encouraged us to strive for excellence during the completion of our study and attain the highest possible standards set by the department, Ψ To all the participants who devoted their time and helped us with our data gathering, Ψ To our families and friends, for their undying support and understanding that sustained us throughout this challenging but fulfilling journey, Ψ To the Bedan Community, for nurturing our work values, keeping us grounded as Christ centered individuals and standing as a constant reminder of St. Benedict’s philosophy -Ora et Labora, and last but not the least, Ψ To God, Our Father and Provider, who is the source of our strength and inspiration, making all things possible not only in our college life but in all the aspects of our lives.

"O give thanks unto the LORD, for he is good: for his mercy endures forever...” — Psalm 107:1

Ut In Omnibus Glorificetur Deus! iv

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II

About the Cover Page Design & Crest

The three colors of the brain represents the Id, Ego, and Superego taking the concept from Sigmund Freud’s Psychoanalytic school of thought. Regarding the gradient background colour of dark to light, represents the shadow and the realization of the shadow, taking inspiration from Carl Jung’s Analytical psychology. Delaunay Triangulation pattern represents the complexes that envelops one’s personal consciousness. For the geometrical patterns was once intended to signify that consciousness can be portrayed into a beautiful geometrical illustration. The Bedan Psychological Society crest is a combination of the Greek alphabet, psi, which is also the first letter of the Greek word psyche, meaning mind or soul, and The Red Lion. Combined, these two characters form a flaming torch. It symbolizes the role of Psychology as a profession that brings light to the ignorance of man on our own conscious and unconscious processes.

v

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II

TABLE OF CONTENTS

Pananaw ng mga Kababaihan sa Nueva Ecija Ukol sa Konsepto ng Tsismis Bilang Gawi ng Pamumuhay: Isang Palarawang Pag-aaral at Pagsusuri

1

Chennie Alyssa B. Regala & Eva Castronuevo

Parental Involvement of Single Mothers in Sibling Conflict Bernard Ishidore C. Soriano & Eva Castronuevo

19

Optimism, Role of Social Support and Coping Skills among Breast Cancer Survivors

35

Hannah Mica A. Beato & Maria Theresa C. Masilungan A Qualitative Study of the Subjective Well-Being of Senior Citizens and their Social Connectedness

49

Verbayne N. Occenola & Eva Castronuevo

Experiences of Belongingness in Parasocial Relationships: A Descriptive Case Study of Filipino Band Fanatics

65

Kathrina R. Fernando & Eva Castronuevo

Experiences of Loss Aversion among Filipino Lawyers

86

Anthony Miguel Capili & Juli-ann Alonso-Balmonte

Parenting Strategies of Single Fathers to Discipline and Monitor Child’s Academic Performances

109

Anne Nicole I. Lammatao & Maria Theresa C. Masilungan

The Source of Motivation of Students with Hearing Impairment from their Experiences in School Environment

Bianca Camille Francia & Fatima Bullecer

vi

123

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II

Perception and Experiences of Filipino Males being in the Friend Zone

148

Pancho Hernandez & Eva Castronuevo

Stereotypes on Female Basketball players by College Students

164

Irene Romina L. Jardiniano & Fatima Bullecer

The Perception on the MOMOL Phenomenon: A Descriptive Analysis

182

Joffrey A. Javier & Eva Castronuevo

Parenting Styles and Disciplinary Practices of Working Mothers on Adolescents with Alcohol Dependency

Joshua Simon & Eva Castronuevo

vii

208

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II

INTRODUCTION It’s been a longstanding tradition that theses of students are binded as an individual book. With the innovative thought to collate each research into a series of theses merged into one—paved way for the creation of The Bedan Journal of Psychology. Behind this idea is the vision of the Dean of the College of Arts and Sciences, Paul V. Hilario, to raise the level and quality of theses done by the students. Beyond this idea lies a wealth of opportunity for researchers to expand their avenues of exposure and even participate with local and international conferences in furthering the body of knowledge in the field of Psychology. Volume II hosts a myriad of Qualitative studies; and the order of the studies are based upon careful consideration of the theme, creativity, motivation, depth, and organization delivered by the researchers during the period of their defense

viii

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II

Pananaw ng mga Kababaihan sa Nueva Ecija Ukol sa Konsepto ng Tsismis Bilang Gawi ng Pamumuhay: Isang Palarawang Pag-aaral at Pagsusuri Chennie Alyssa B. Regala Eva Castronuevo

Abstrak Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pananaw ng mga kababaihan ukol sa konsepto ng tsismis bilang gawi ng kanilang pamumuhay. Sa kabuuan, mayroong labing-apat na kababaihan ang nakapanayam ng mananaliksik na isinagawa sa San Roque, Nueva Ecija. Ang mananaliksik ay gumamit ng katutubong pamamaraan partikular ang pagtatanung-tanong at pakikipagkwentuhan sapagkat ito ay naaayon sa kamalayang Pilipino. Ang resulta ng nasabing pag-aaral ay naglalaman ng negatibo at positibong pananaw ng mga kababaihan ukol sa tsismis. Hindi maikakaila na ang tsismis ay mayroong hindi kaaya-ayang epekto sa pamumuhay ng mga kababaihan katulad ng pagkasira ng kanilang relasyon sa kapwa tao. Mayroon din iba’tibang pagtugon ang mga kalahok ukol sa tsismis katulad na lamang ng pagpapasa-Diyos at pagsugod sa tsismosa. Nais magrekomenda ng mananaliksik sa susunod na pag-aaral na pagtuunan pansin rin ang pananaw ng mga kalalakihan ukol sa tsismis upang magkaroon ng paghahalintulad.

Ang wika at kultura ay may kalakip na ugnayan ayon kay Covar (1999). Iminungkahi rin ng dalubhasang si Covar na ang kultura ay likha ng tao samantalang ang wika ay taal sa tao. Kahit na ang wika ay isang taal sa tao, ito ay likha rin ng tao gaya ng kultura. Ayon sa kanyang pagaaral, ang ating kapaligiran ay nahahati sa dalawa, ang kalikasan at kalikhaan. Ang kalikasan ay ang mga bagay na nadatnan na ng mga tao sa mundong kinauukulan katulad ng likas na yaman, hayop, halaman at marami pang iba. Ang kalikhaan naman ay ang mga bagay na gawa lamang ng mga tao. Maaari ding pakahulugan ang kalikhaan bilang kultura sapagkat ang kultura ay likas na gawa ng tao at paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao. Katulad ng sinabi ni Covar, ang wika ay likha ng tao na ginagamit sa pakikipagtalastasan o komunikasyon. Ang tao bilang isang likas na nilalang ay may pangangailangang makipag-usap sa taong nakakasalamuha nila upang maipahayag ang kanilang saloobin o damdamin at sa gayon ay magkaroon ng kakayahan upang malaman ang nais iparating ng taong kinakausap. Ayon sa perspektibo ng mananaliksik, ang komunikasyon ay may kaakibat na importanteng aspeto sa buhay ng tao dahil naiiwasan nito ang gulo na maaaring madulot ng hindi pagkakaintindihan sapagkat nauunawaan ng magkabilang panig ang nais iparating ng isang tao. Isa pa sa magandang naidudulot ng komunikasyon ay ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Nagkakaroon tayo ng mga kaibigan sa pamamagitan ng komunikasyon dahil may interaksyon na nagaganap sa pagitan ng dalawang tao at may posibilidad na may mabuong relasyon sa isa’t isa.

1

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II

Maliban sa mga positibong naidudulot ng komunikasyon, mayroon din itong masamang epekto. May mga taong sadyang sinasamantala ang mabuting layunin ng komunikasyon sapagkat nagkakalat sila ng sari-saring pahayag na pawang walang katotohanan o hindi kaya ay maling impormasyon. Ito ang tinatawag na tsismis o gossip sa Ingles. Noong ika-labing dalawang siglo, ang salitang gossip o tsismis sa Tagalog ay hango sa sinaunang Ingles na kung saan ang pinagmulan ng salitang ito ay god-sibbs. Ang God-sibbs ay tumutukoy sa mga ninong o ninang na pinag-uusapan ang mga nangyari sa binyag o kahit anong okasyon ng kamag-anak (Berkos, 2003). Pagkalipas ng ika-apat na siglo, ang terminong ito ay nagkaroon ng panibagong kahulugan na kung saan ito ay tinawag na idle chat o pagkukwento dahil walang magawa. Ito ay karaniwang naiuugnay sa mga kababaihan na mahilig magsabi ng mga pahayag na dapat ay hindi naman ikalat. Noong panahon naman ng Kastila, ang tsismis ay may mabuting naidudulot sa mga tao. Ito ay dahil sa pagkakalat at pagsasalin ng mga nasagap na impormasyon sa iba’t ibang tao upang mahuli ang magnanakaw sa espesipikong bayan. Lilitisin ng hukuman ang sinoman na nasangkot sa tsismis base sa kuro-kuro na nalikom. Ang tsismis ay naging laganap na gawain ng nakakarami noong panahon ng mga Kastila dahil sa represyon sa pagpapahayag ng saloobin laban sa mananakop at dahil ang mga Kastila mismo ay mahilig sa tsismis. Kaya hango sa salitang Kastila “chisme” ang salitang tsismis. Ayon kay Flores (2012), nasubukan ni Dr. Rizal na patunayan na ang makabuluhang impormasyon ay maaaring magbago kapag ito ay naisasalin sa iba’t ibang tao sa pamamagitan ng paggamit ng isang psychological exercise. Pinapila ni Dr. Rizal ang mga bata at binulungan niya ang unang bata ng isang pangungusap at hinayaang ipasa upang makarating sa pinakadulong bata. Katulad ng inaasahan, ang pangungusap ay nag iba na ng kahulugan. Sa makabagong panahon ang salitang tsismis ay nagbago na ng kahulugan sapagkat ito na ay isang termino na tumutukoy sa pagkalat ng hindi makatotohanan na impormasyon na maaaring makasira ng repotasyon ng ibang tao. Ang mga Pilipino ay di -hamak na maraming komento sa isang bagay at ito ay maaaring mangyari sa pagitan ng isang simpleng pag-uusap ng dalawang magkaibigan tungkol sa isang maliit na bagay na maaaring maging malaking iskandalo kapag ito’y kumalat. Ang mga tsismosa/tsismoso ay walang pinipiling lugar maging sa opisina man, palengke, kalsada, paaralan o kahit sa simbahan. Ayon sa perspektibo ng mananaliksik, di hamak na lahat ng mga Pilipino ay nakaranas na ang pangungutya babae man o lalaki sapagkat kalakip nito ang komunikasyon at pakikipagkwentuhan. Ang kadalasang tawag sa mga babae na mahilig dumako sa tsismis ay tsismosa, madada, madaldal, matabil o satsatera at sa lalaki naman ay tsismoso o satsatero ngunit hindi maitatanggi na mas marami sa mga kababaihan ang lumalagay sa asal na ito. Nakakabit na ang salitang tsismis sa mga kababaihan dahil sila ang madalas na nariringgan ng mga tsismis (Levin at Arluke, 2011). Ayon sa obserbasyon ng mananaliksik, hindi maiiwasan na may mga grupo ng mga nanay na nagkukwentuhan tungkol sa kanilang asawa o anak tuwing sila ay magkikita, may mga estudyanteng babae na pinagkukwentuhan ang kanilang gustong lalaki at ang 2

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II

kanilang kinaiinisan na babae sa paaralan at may mga lola na hindi maiwasan mag kwentuhan pagkatapos ng misa. Tila nakasanayan na ito ng nakararami kaya nakagawian na nila ito sa kanilang pamumuhay. Ang pag-aaral na ginawa ay isinagawa sa bayan ng San Roque Nueva Ecija. Napili ng mananaliksik na gamitin ang bayan na ito dahil ayon sa kanyang pagdalo sa nasabing lugar, nasabi ng mga tagaroon na ang San Roque ay ang pinaka sentro ng tsismis sa buong Nueva Ecija na napatunayan ng mananaliksik. Ayon sa karanasan ng mananaliksik sa tuwing siya ay bumibisita dito, talagang nakakaakit ang kultura ng San Roque sapagkat ang mga tao ay masisipag at walang ginawa kundi magtrabaho. Maraming tanim na gulay at mga prutas sa bawat bakuran ng mga bahay at ito ang pinipitas nila upang maging pagkain sa umaga at tanghalian. Bukod paglalagay nito sa hapag kainan, ginagawa rin nila itong hanap buhay at binibenta sa mga kapitbahay. Masipag na nagtatanim ang mga magsasaka ng mano-mano sapagkat walang mga makabagong materyales na magagamit. Lahat ng mga tao dito ay magkakakilala at magkakaibigan dahil magkakalapit lamang ang mga kabahayan doon na kung saan ay natatanaw na agad ang mga kapitbahay. Simple at payak ang pamumuhay nila sapagkat wala silang ibang hinahangad kung hindi ang maging masaya, kuntento at mabuting kalagayan ng kanilang pamilya ngunit ang simpleng pamumuhay ng mga tagarito ay tila napalitan ng hindi kanais-nais. Sa muling pagbisita ng mananaliksik, kapansin-pansin na pili na lamang ang mga masipag na tao at ang karamihan ay naging mga tamad. Madalas ang alitan ng mga kalalakihan sa kung sino ang magmamay-ari sa lupa. Ang mga kababaihan naman ay nagsimulang manira ng imahe at reputasyon ng ibang tao upang alipustahin at dungisan ang pangalan ng pamilyang kalaban. Nagsimulang mabuo ang kanya-kanyang grupo, payamanan at pagandahan ng bahay. Kaunting maling galaw ay gagawan na ng mga tao ng isyu. Nagsimulang maging sarado ang isip ng tao dahil sa tsismis na nakagawian nilang gawin. Pinili ng mananaliksik na alamin ang pananaw ng mga kababaihan sa bayan ng San Roque Nueva Ecija dahil kapansin-pansin ang pagkahilig ng mga babae, kahit anong edad pa man na gumawa ng kwento na hindi totoo o pag-usapan ang buhay ng ibang tao. Tuwing pumupunta ang mananaliksik sa nasabing lugar, tila walang kapagod-pagod ang mga tao sa pakikipagkwentuhan dahil hindi nauubos ang kanilang sasabihin. Kapansin-pansin na kulang pa ang tatlong araw sa dami ng kwentong paulit-ulit. Nais malaman ng mananaliksik kung may mabuti bang naidudulot ito sa kanila maliban sa pampalipas oras.

Layunin ng Pag-aaral Sadyang napakaganda ng kahulugan ng tsismis noon ayon kay Berkos (2003) na kung saan ito ay pagkakamustahan lamang sa pagitan ng mag-anak ngunit ito ay natabunan na ng hindi kaayaayang kahulugan lalo na sa makabagong panahon. Dahil dito ay naging interesado ang mananaliksik na pag-aralan ang tsismis upang magkaroon ng mas malawak na kaalamanan. Hindi kailanman naging madaling pag-aralan ang tsismis sapagkat ito ay maselang paksa at di hamak na mailap ang mga taong saklaw sa aktwal na karanasan na ito. Ang pangunahing layunin ng pagaaral na ito ay malaman ang pananaw ng mga kababaihan ukol sa tsismis bilang gawi ng pamumuhay.

3

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II

Sinikap ng mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-ano ang pananaw ng mga kababaihan sa konsepto ng tsismis bilang gawi ng kanilang pamumuhay? 2. Ano ang epekto ng tsismis sa buhay ng mga tao sa San Roque Nueva Ecjia? 3. Paano nila tinutugunan ang posibleng epekto ng tsismis sa kanilang buhay?

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL Pananaw tungkol sa Tsismis Mayroong iba’t-ibang daan upang bigyan ng kahulugan ang tsismis ngunit ang pinaka madalas na ginagamit na depinisyon nito ay hango sa pag-aaral na ginawa ni Foster (2004). Ang terminong tsismis ay isang salita na tumutukoy sa tao na tumatalakay at nakikipag palitan ng impormasyon maging positibo o negatibo man sa masuring paraan (positibo o negatibo) ng wala ang presensya ng taong pinag-uusapan. Sino ang madalas dumako sa tsismis? Ang mga tsismosa o tsismoso ay tila uhaw sa atensyon ng mga tao. Nais nilang iparating sa buong mundo na may alam siyang sikreto na maaaring ikalat. Kapag nagsimula na magkwento ang tsismosa, lahat ng atensyon ay nakatuon sa kanya na kung saan nakamit niya ang kanyang kagustuhan. Kung tutuusin, karamihan ng naturingang tsismosa ay nais maging lider sa anumang bagay. Sa pag-aaral na ginawa ni Farley, Timme at Hart (2010), binigyan nilang kahulugan ang taong mahilig magkalat ng tsismis bilang isang “high gossiper” o tsismosa. Ipinakita sa kanilang pag-aaral na ang ang mga “high gossiper” o tsismosa ay may kagustuhan na mamuno. Kung tutuusin, sila ay naging tsismosa dahil sila ay hindi masyadong gusto ng mga taong nasa paligid nila (Farley, 2011). Upang ito ay mapatunayan, gumawa ng eksperimentong pag-aaral sina Angelis, Bonezzi, Peluso, Rucker at Costabile noong taong 2012 ng sa gayon ay malaman nila kung ito nga ay tama. Nang matapos ang pag-aaral, natagpuan nila na sa pamamagitan ng tsismis nais nilang pataasin ang kanilang pagkatao kasabay ng pagmamaliit at pangungutya ng kanilang kapwa (Angelis et. al., 2012). Sino ang madalas nasasangkot sa tsismis? Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Turcotte (2012), ang indibidwal na hindi kabanta-banta ang asintado ng mga tsismosa. Gayundin ang kinalabasan ng pag-aaral nila Farley (2011) at Angelis et. al (2012) na kung saan sinabi ng mga mananaliksik na ang taong madalas magkalat ng walang katotohanan na impormasyon ay isang mahinang tao. Dahil sa katotohanan na nalikom ng mga mananaliksik, di-hamak na kaya ginagawang paksa ng mga tsismosa ang hindi kabantabantang tao ay sa kadahilanan na sila mismo ay isang hindi kabanta-bantang indibidwal (Farley, 4

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2015 | VOLUME II

2011). Naniniwala ang mga taong tsismosa na kapag nagkalat sila ng hindi magandang impormasyon sa kapwa ay magiging sikat sila sa paningin ng ibang tao (Angelis et.al, 2012). Tsismis bilang isang Impormasyon Ang tsismis ay maaaring maging paraan upang tayo ay makalikom ng impormasyon at bigyan ng kaalaman ang mundo tungkol sa isang partikular na tao. Sa pamamagitan ng tsismis, ang isang tao ay nagkakaroon ng maraming impormasyon tungkol sa mundong ating ginagalawan sa paraang mas madali at makabuluhan kumpara sa pagkuha ng impormasyon sa personal na karanasan ng isang tao na mas maaaring maging delikado (Tucortte, 2012). Ang Tsismis at Pagkakaibigan Marami sa atin ang kumikilala sa tsismis sa negatibong paraan ngunit ang tsismis ay hindi lamang nakasentro sa negatibong aspeto ngunit pati narin sa positibong aspeto. Ang tsismis ay kinikilala bilang parte ng kalidad ng oras ng mga magkakaibigan. Itinataas nito ang pagkakataon upang sila ay magkasundo at magkaroon ng pagkakaisa na kung saan sila ay nag babahagian ng impormasyon sa isa't isa at ibinabahagi ang ilan sa taong kanilang pinagkakatiwalaan. Ayon sa pag-aaral nila McAndrew, ang mga tao ay walang interes sa pakikinig s...


Similar Free PDFs