Panalangin PARA SA MGA Yumao Nating Minamaha 1 PDF

Title Panalangin PARA SA MGA Yumao Nating Minamaha 1
Author Anonymous User
Course BS Electronics Engineering
Institution Cavite State University
Pages 9
File Size 105.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 86
Total Views 126

Summary

Panalangin para sa mga yumaong kamag anak...


Description

PANALANGIN PARA SA MGA YUMAO NATING MINAMAHAL (N: Namumuno / T: Tugon) N : Sa ngalan ng Diyos Ama, at ng Diyos Anak at ng Diyos Espiritu Santo. T : Amen Panginoon naming Diyos, sa sandaling ito, kami ay natitipon bilang mag – anak na nagpupuri at nagpapasalamat sa buhay na iyong ipinahiram sa amin, gayundin sa lakas at mga biyaya mong patuloy na ipinagkakaloob sa amin. Ito rin Ama an gaming ipinagpapasalamat sa iyo, sa mga biyayang ipinagkaloob mo sa aming mga mahal sa buhay na yumao. Sa harap ng kanilang libingan, inaalala namin ang Iyong kabutihan at biyaya na nakita naming sa kanilang pamumuhay at gayundin sa talino na ibinahagi nila sa amin. Panginoon inihihingi namin sila ng iyong awa at kapatawaran sa mga kasalanang nagawanila. Sa pagkukulang nila na pagyamanin ang mga biyaya na kaloob mo, at sa hindi paggamit ng mga biyayang ito sa wastong pamamaraan. Ang Iyo nawang pag – ibig ang magpuno sa kanilang pagkukulang. Igawad mo po ang iyong walang hanggang awa sa kanila. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan , Amen. UNANG PAGBASA : Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Kaya naman naniniwala tayong bubuhayin ng Diyos ang lahat ng namatay na nananalig kay Hesus upang isama sa Kanya… Ang Salita ng Diyos. T : Salamat sa Diyos. SALMO: Ang Panginoon ang aking Pastol, pinagiginhawa akong lubos. N: Handog nya’y himl;ayang sariwang pastulan, ang pahingahan ko’y payapang batisan. Hatid sa kaluluwa ay kaginhawaan. Sa tumpak na landas, siya ay patnubay. T : Ang Panginoon ang aking pastol, pinagiginhawa akong lubos. Madilim na lambak man ang tatahakin ko, wala akong sindak Siya’y kasama ko. Ang hawak Niyang tungkod ang siyang gabay ko. Tangan nyang pamalo, sigla’t tanggulan ko. T : ANG Panginoon ang aking Pastol, pinagiginhawa akong lubos. N : Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (6:37 – 40) T: Papuri sa iyo Panginoon. N: Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga tao, lalapit sa akin ang lahat ng ibinigay sa akin ng Ama. At hindi itataboy ang sino mang lumapit sa akin. Sapagkat ako’y bumaba buhat sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. At ito ang kanyang kalooban: Huwag kong pabayaan mawala kahit isa sa mga ibinigay niya sa akin kundi muling buhayin sila sa huling araw. Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama. Ang lahat ng makakita at manalig sa Anak, ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. N: Ang Mabuting Balita ng Panginoon. T: Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo. N: Manalangin tayo sa Diyos para sa mga yumao nating minamahal sa bawat panalangin ang itutugon. T: Panginoong Maawain Kami’y iyong dinggin.

Namumuno: *Upang ang mga minamahal nating yumao na/sina(pangalan ng/mga yumao) na tumanggap ng mga binhi ng Pagkabuhay noong sila ay binyagan,nawa’y pagkalooban mo po sila ng biyaya na makasama ng mga Banal sa kalangitan.Manalangin tyo… *Upang pakundangan sa pakikinabang nila sa pagkaing nagbibigay buhay,sila nawa ay makasalo sa muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.Manalangin tayo… *Upang ang lahat ng nahihimlay nang may pag-asa sa Muling Pagkabuhay ay masilayan ang luningling ng Poong may kapal. Manalangin tayo… *Upang tayong lahat na nagkakatipon ditto ay pagkalooban ng Diyos ng biyayang magkasama sama sa maluwalhating Paghahari ng Diyos. Manalangin tayo…

DASAL SA KALULUWA Sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Diyos Espiritu Santo.Amen Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo, at tao naming totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisisihan kong masakit na masakit sa tanamag loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo, at ikaw nga po ang Diyos ko, Panginoon at Ama ko, na inilibing kong lalo na sa lahat, at nagtitika akong matibay na matibay na di na muling magkakasala sa iyo, lalayuan ko na’t pangingilagan ang balang makakabaklas ng loob ko ng masama at makalilibat ng dating sakit ng kaluluwa ko, at umaasa akong mangungumpisal sa dilang kasalanan ko, at umaasa akong patatawarin mo rin alangalang sa mahal na passion mo at pagkamatay mo sa Krus dahilan sa amin at sa lahat ng tao. SIYA NAWA… N: Ama naming, sumasalangut ka sambahin ang ngalan mo, mapasa amin ang kaharian mo, sundin ang loob mo mo dito sa lupa para ng nasa langit. T: Bigyan mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo po kami sa aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa nag kakasala sa amin at huwag mo po kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo po kami sa lahat ng masama, AMEN. N: Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos at sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Jesus.

T: Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo po kaming makasalan ngayong at kung kami ay mamamatay, AMEN. N: Pagkalooban mo po sya /sila Panginoon ko ng kapayapaan na walang hanggan… T: Bigyan ng liwanag ilaw na walang katapusan. N: Mapanatag nawa siya/sila sa kapayapaan… T: Siya Nawa.. N: Buksan mo po Panginoon ko ang mga labi at dila naming,palusugin an gaming mga loob at pakalinisin sa mga walang kapanakanang mahalay at likong akala,liwanagin mo po ang aming bait , papagningasin ang aming mga puso ng magunam-gunam naming mataimtim ang kamatayan at sampu ng kapaitang dinalita ng iyong marangal na Ina, ay maging dapat kaming dinggin sa harapan ng iyong di matingkalang kapangyarihan na nabubuhay ka at naghahari magpasawalang hanggan. T: Siya Nawa…

*****(Ulitin ng 5x) N: Lubhang maawaing Hesus ko,lingapin mo po ng mata mong maamo ang mga kaluluwa sa purgatory ni__________,bininyagan at namatay nang dahil sa kanya ay nagpakasakit ka at nagpakamatay sa Krus. T: Siya Nawa. 1. N: Hesus ko alang-alang sa masaganang dugo na iyong ipinawis ng manalangin ka sa halamanan. T: Kaawaan at patawarin ang kaluluwa sa purgatoryo ni________. 2. N: Hesus ko alang-alang sa tampal na tinanggap ng mukha mong galanggalang. T: Kaawaan at patawarin ang kaluluwa sa purgatoryo ni________. 3. N: Hesus ko alang-alang sa masakit na hampas na iyong tiniis. T: Kaawaan at patawarin ang kaluluwa sa purgatoryo ni________. 4. N: Hesus ko alang-alang sa koronang tinik na nagsitimo sa kasantusantusan mong ulo. T: Kaawaan at patawarin ang kaluluwa sa purgatoryo ni________. 5. N: Hesus ko ,alang-alang sa paglakad mo sa lansangan ng kapaitan na Krus ay iyong kababaw-babaw..

T: Kaawaan at patawarin ang kaluluwa sa purgatoryo ni________. 6. N: Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusan mong mukha na naliligo sa dugo at iyong binayaang malarawan sa birang ni Veronica. T: Kaawaan at patawarin ang kaluluwa sa purgatoryo ni________. 7. N: Hesus ko alang-alang sa damit mong natigmak ng dugo na biglang pinaknit at hinubad sa iyong katawan niyong mga tampalasan. T: Kaawaan at patawarin ang kaluluwa sa purgatoryo ni________. 8. N: Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusan mong katawan na napako sa Krus. T: Kaawaan at patawarin ang kaluluwa sa purgatoryo ni________. 9. N: Hesus ko alang-alang sa kasantu-satusan mong paa at kamay na pinakuan ng mga pakong ipinagdalita mong masakit. T: Kaawaan at patawarin ang kaluluwa sa purgatoryo ni________. 10.N: Hesus ko,alang- alang sa tagiliran mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat na binukalan ng dugo at tubig. T: Kaawaan at patawarin ang kaluluwa sa purgatoryo ni________.

N: Pagkalooban mo po siya/sila Panginoon ko ng kapayapaang walang hanggan. T: Bigyan ng liwanag ilaw na walang katapusan. N: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan. T: Siya Nawa… ***** ( Ulitin 5X *****)

NAMUMUNO: Katamis-tamisang Hesus ko na sa pagsakop mo sa sangkatauhan,ay inibig mong ikaw ay ipinanganak,tumulo ang iyong mahalagang dugo sa pagtubos sa amin,inalipusta ng mga Hudio,napasakamay niyang tampalasansa paghalik ni Hudas,gapusin ng mga lubid,dalhin sa pagpaparipahan sa iyo,tulad ng Korderong walng sala,iniharap kay ANAS, kay CAYPAS,kay PILATO at kay HERODES, niluraan at pinaratangan na pinatotohanan ng mga saksing sinungaling,tinampal,naging alimura,natadtad ng sugat ang buo mong katawan sa hampas ng suplina,pinutungan ng koronang tinik,natakpan ang iyong mukha ng isang purpura sa pagpalibhasa sa iyo,nalagay sa isang pagkabuhong na kahiya – hiya,napako sa Krus at natindig sa kanya,napagitna sa dalawang magnanakaw na

parang isa sa kanila,painumain ng apdong nilahukan ng suka at ang iyong tagiligaran ay sulain ng sibat.Hanguin mo na Panginoon ko , alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para dalitain mo,ang mga kaluluwimpyernoa sa purgatory sa pagdurusa nila,iakyat mo sila sa langit ng mangatiwasay sa iyong kaluwalhatian at iligtas mo kami alng-alang sa mga karapatan ng iyong kasantu-santusang pagpapakasakit at pagkamatay mo sa Krus,sa mga hirap sa impyerno,ng kami ay maging dapat pumasok sa payapang kaharian na iyong pinagdalhan sa mapalad na magnanakaw na nakisama sa iyong naripa sa Krus,nabubuhay ka nga at naghahari na kasama ng Diyos Ama,Anak at Diyos Espiritu Santo magpasawalng hanggan. TUGON: Siya Nawa..

N: Pagkalooban mo po siya/sila Panginoon ko ng kapayapaang walang hanggan. T: Bigyan ng liwanag ilaw na walang katapusan. N: Mapanatag nawa siya/sila sa kapayapaan. T: Siya Nawa. N: Ama namin… T: Bigyan mo kami…. N: Aba Ginoong Maria…. T: Santa Maria……….. N: KRYLESON… T: KRYLESON. N: KRYSTELESON… T: KRYSTELESON. N: KRYELESON… T: KRYELESON. N: Kristo pakinggan mo kami… T: Kristo pakinggan mo kami. N: Kristo pakapakinggan mo kami… T: Kristo pakapakinggan mo kami. N: Diyos Ama sa langit. Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan.

TUGON: *Maawa ka sa kanya/kanila.

Diyos Espiritu Santo. Santisima Trinidad ng tatlong persona at iisang Diyos.

Santa Maria Santang Ina ng Diyos Santang Birhen ng mga Birhen Ina ni Kristo Ina ng Grasya ng Diyos Inang kasakdal-sakdalan Inang walang malay sa kahalayan Inang di malapitan ng masama Inang kalinis-linisan Inang kaibig-ibig Inang kataka-taka Inang may gawa sa lahat Ina ng mananakop Birheng kapaham-pahaman Birheng dapat igalang Birheng dapat ipagbantog Birheng maawain Birheng makapangyayari Birheng matibay ang loob sa magaling Salamin ng katwiran Luklukan ng karunungan

*Ipanalangin Mo siya/sila

NAMUMUNO: TUGON: Mula ng tuwa namin *Ipanalangin Mo siya/sila Sisidlan ng kabanalan Sisidlan ng bunyi at bantog Sisidlan ng bukod tanging mahal na makusang sumunod sa Panginoong Diyos Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga Tore ni David Toreng Garing Bahay na Ginto Kaban ng Tipan Pinto sa Langit Talang maliwanag Mapagpagaling sa may sakit Pagsasakdalanng taong makasalanan Mapang-aliw sa mga nangagdadalamhati Mapang-ampon sa mga Kristiyano Hari ng mga Angeles Hari ng mga Patriarkas

Hari ng mga Propetas Hari ng mga Apostoles Hari ng mga Martires Hari ng mga Confesores Hari ng mga Virgenes Hari ng lahat ng Santo Haring ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal Hari ng kasantu-santusang Rosaryo Hari ng Kapayapaan Haring Tigib ng lumbay Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan Ng sanlibutan.

*Patawarin mo Siya/sila Panginoon namin…

Kordero….sandaigdigan

*Pakapakinggan mo Siya/sila

Panginoon Namin… Kordero….santinakpang langit

*Maawa at patawarin Mo Po siya/sila Panginoon Namin…

NAMUMUNO: Sa ilalim ng iyong pagkakandili o Santang Ina ng Dios, kami po ay lumililong huwag mong tatalikdan an gaming pag amo lalo na kung dinaratnan kasalatan bagkus iadya mo kami sa dilang panganib, Birheng mahal at malulwalhati, ipanalangin mo po kami o Santang Ina ng Diyos TUGON: Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ,Hesukristong Panginoon namin. NAMUMUNO: Panginoon dinggin mo pong malugod ang aming pag- aamo amo. TUGON: At dumating nawa sa iyong tainga ang aming pagdaing, manalangin tayo. LAHAT: Ipinagtatagubilin po naming Panginoon naming ang kaluluwa sa purgatory ni ______ na sa pagpanaw niya/nila dito sa mundo mangyaring iyo na pong

ipatawad sa kanya ang lahat ng kasalanan nyang nagawa at laging mabuhay sa iyo magpasawalang hanggan. Sya nawa. N: Pagkalooban mo napo siya panginoon ko ng kapayapaanng walang hanggan. T: At bigyan ng liwanag at ilaw na walang katapusan. N: Mapanatag nawa sa kapayapaan T: Siya nawa N: 3x Ama namin… T: Bigyan mo po kami… N: Aba Ginoong Maria… T: Sta. Maria…

PAGTATAPOS NG DASAL LAHAT: Aba po Santa Mariang hari, Ina ng awa ikaw ang kabuhayan, katamisan, aba pinanaligan ka naming, ikaw nga po na tinatawag naming pinagpanaw na taong anak ni Eva, ikaw rin po ang pinagbubuntong hininga naming ng aming pagtatangis dini sa lupang bayang kahapis hapis ay aba pintakasi ka namin ilingon mo po sa amin ang mga mata among maawain at saka kung matapos yaring pagpanaw mo sa amin ay ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus, Santa Maria Ina ng Diyos maawain at maalam at matamis na Birhen kami po’y nananalanging maipatuloy mo na po sa amin ang mga ipinangako ni Hesukristong Panginoon namin. Sya nawa. LAHAT: Kalinislinisang Birheng Maria, alang- alang sa mahal na pagka…. Mo at sa kalinislinisang paglilihi sa iyo pakalinisin mo po at ipagadya ang katawan namin at kaluluwa sa ngalan ng Ama at ng DiYos Espiritu Santo. Amen.

ORASYON SA KATAPUSAN NG DASAL Vendito Alabado, siya Santisimo sakramento Del Altar Delin Emakulada Concepsyon Senyora, Nuestra Concebida Semansa pikad original el primen inistante desinen natural con siempre amas binigyan tayo ng Dios ng magandang hapon at sapitin nawa ng mahal na umaga, tayo pong lahat ng mga kristiyano salamat, siya nawa. Oh Angel de la Gwardia ko, santang kalaguyo ko , kami po’y ingatan mo saan man kami magsitungo ng kami’y hindi matalo ng masasamang tukso. Ave Maria purisima, simpikado consibida, Viva Jesus,Maria y Jose,iligtas mo po kami sa panganib, mano po Amang Diyos,mano po Inang Birhen,mano po Tatay,mano po Inay,mano po sa lahat ng namatay na matatanda. Purihin natin at pasalamatan ang kamahal mahalang santisimo sakramento sa altar at ang kalinis linisang paglilihi ng Birheng Maria,ating Panginoong Hesukristo ay hindi nagmana ng kasalanang orihinal hanggang sa mula at mula at kailanman. Siya nawa… Sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Diyos Espiritu Santo. Amen…...


Similar Free PDFs